Totoong Pag-ibig
Namangha ako sa libu-libong kandadong nakasabit sa tulay ng Pont des Arts sa Paris. Nakaukit sa mga kandadong ito ang mga inisyal ng mga pangalan ng magkasintahang nagmamahalan. Simbolo ng wagas at walang hanggang pag-ibig ang bawat kandado. Noong 2014, tinatayang umabot na sa limampung tonelada ang timbang ng lahat ng mga kandadong nakasabit sa tulay. May bahagi na ng…
Laging Nagpapatawad
Minsan, pinag-aaralan namin sa klase ang isang nobela. Binanggit doon ang isang talata sa Biblia. Nang kuhanin ko ang aking Biblia, napansin ako ng propesor namin at sinabing, “Kapag humawak ako ng Biblia, masusunog ito sa mga kamay ko.” Inakala niya na napakamakasalanan niya para hindi siya patawarin ng Dios. Nalungkot ako sa sinabi niya pero hindi ako nagkaroon ng…
Alalahanin Siya
Nang makaranas ng matinding suliranin ang anak ko, ipinaalala ko sa kanya ang kabutihan ng Dios sa pamilya namin nang mawalan ng trabaho ang tatay niya. Ipinaalala ko rin sa kanya kung paanong nagkaloob ang Dios ng kapayapaan sa amin nang magka-kanser at mamatay ang nanay ko. Ipinaalala ko rin sa kanya na tinutupad ng Dios ang mga pangako Niyang…
Magkaramay Sa Kalungkutan
Namatay noong 2013 si James McConnell, isang beterano ng British Royal Marine. Walang kamag-anak si McConnell at nangangamba ang mga nag-alaga sa kanya na baka walang pumunta sa libing niya. Isang lalaki ang nag-ayos ng libing ni McConnell. Naglabas ito ng mensahe sa Facebook: “Sa panahon ngayon, nakalulungkot na pumanaw sa mundong ito na wala man lamang ni isang taong…
Mga Suliranin
Nasa bahay na kami nang mapansin kong napakainit na pala ng temperatura ng aming kotse. Lumabas ang usok mula rito nang patayin ko ang makina. Tila maaari ka nang magluto sa sobrang init ng makina. Nang maitaas ko ang kotse, nakita ko na naipon ang langis sa ilalim. Napagtanto ko agad ang nangyari, nasira ang lagayan ng langis.
Napadaing ako…